DRX2K, May nahanap na ba kayong speaker para sa PIC MCU?
Ano pa ba ang ibang detalye na mabibigay mo, baka may willing namang pumunta from the blogers dito?
Venue: Meycauayan Bulacan
Date: July 21, 2009
Time :?
Duration: (hours)
Audience:? (High school, college/technical, etc.)
Number of participants:?
Ano ba ang gusto nyong malaman at matutunan tungkol sa PC MCU?
Pwede kasing lecture lang with demo. Pwede rin mang hands-on kung may eqiupment at limited lang ang audience.
hi sir SilverSolar, salamat po sa pagreply..
wala pa po kami nahahanap na guest speaker para sa seminar namin probably pra sa PIC MCU Seminar or workshop..naghahanap pa rin po kami ng guest speaker para sa PIC MCU,pipilitin po sana namin na magkaroon kami ng seminar para sa PIC MCU dahil kailangan din namin ang makakakuha ng info about MCU malaking tulong din po yun sa thesis namin ngayon.
yung venue namin ay sa Meycauayan, Bulacan parin, pero willing din naman po kami dumayo sa ibang lugar basta malapit lang din po, pwede rin kami ang mismo pumunta sa lugar ng magiging speaker namin basta malapit lang din po sa Bulacan or somewhere in manila..Sa school po namin gaganapin yung seminar, mag iinvite lang po kami ng guest speaker,tapos kami rin ang magshoulder ng mga gastusin para sa seminar kasi di raw sagot ng school namin ang budget for seminar kaya free po sana yung seminar namin, kami na lang magshoulder ng transportation ng guest speaker namin at yung honararium..ayaw rin naman kasi ng professsor namin para sa seminars and fieldtrip na gumastos kami ng malaki para sa subject namin kasi marami na rin raw kami pagkakagastusan tulad po ng thesis.
yung schedule po ng seminar namin ay sa july 21, 2009 po sana kaso baka ma-move sa ibang date kasi wala pa rin kami nahahanap na pwede mag guest speaker saka prelim exam na namin next week..pero bago matapos ang month of july ay dapat may seminar na kami na maattend..target po kasi namin na magkaroon ng 4 seminars at fieldtip para sa subject na seminars and fieldtrips.
yung duration ng seminar, probably 1hr to 2hrs pero depende pa rin po yun sa guest speaker kung mas matagal pa dun, kung marami pa po sya mabibigay na information at kung makakapag demo sya para sa PIC MCU ok lang po din sa amin kung mas matagal para madami rin kami matutunan...kung mahabang oras ang kailangan para sa seminar, pwede namin po ipa sched yung seminar sa araw na wala po kami pasok, maybe friday or saturday.
sa audience po naman..kaming engineering student at yung professor namin para sa subject namin ang audience, tatanong ko pa po kung pwede mag invite ng ibang audience para madami rin ang matuto about PIC MCU...
12 students lang po kami na kumukuha ng subject na seminars and fieldtrip kaya 12 lang din po kami ang magiging audience pero kung pwede naman po kami mag invite ng iba, mag iinvite rin po kami para madami rin kami ang pwede matuto sa ibibigay na information ng guest speaker at marami rin kami ang pwede maghati-hati sa mga gastusin para maliit din ang magagastos ng bawat participants
gusto po namin matutunan ang basics ng PIC MCU, from basic hanggang kahit intermidiate lang din o kahit medyo advance topic na rin po..kung may demo or workshop mas ayus po yun para mas maintindihan namin ang PIC Micro..from interfacing to programming..
may starter kit na rin naman po sa school namin pero di po namin alam kung paano gamitin kasi wala naman po ang pwede magturo sa amin kung paano gamitin..Meron po sa school namin na PICMe Microcontroller Starte Kit
sa programming language na gagamitin para sa programming ng PIC Micro, ok na po sa amin ang C Language, pwede na po sa amin ang Hi-Tech C tpos yung PICMe gagamitin namin pra sa loading ng hex papunta sa PIC..ok lang din po sa amin kung ano ang gusto ipagamit sa amin ng guest speaker na programming language..kung ano po sa tingin nya na mas madali namin matutunan at mas madaling gamitin