Magandang Umaga sayo kabalin,
ang init dito, update ko lang kayo, yesterday, october 26, 2009, mapua institute of technology or mit ay dinalaw ng mga accreditors of abet. ung abet is parang pacucuoa pero ang abet is a U.S. organization and based sa narinig ko, if ang school mo ay accredited by abet, kalevel mo na ung mga US graduates specially ung mga katumbas nating ee,ece,coe sa states. hope eto na ang chance ng mga mapuan na maging lalong competitive outside the country.
..Mabuti naman at kahit papaano ay mayroon tayong pangarap sa ganoong layunin...
Pero eto ang sagot ng inyong lingkod sa ganoong pananaw..
1)http://www.engineeringdegreeshelpline.com/engineering-universities/asia/
..sana man lang makasingit tayo dyan para naman di tayo kahiya hiya sa mga studyante ni uncle sam..
2)a) Kung merong quad or tri semester na sem sa isang taon ang ang eskwelahan
b) at ang pagkuha ng diploma sa loob ng 2-3 years? samantalang ang banyagang eskwelahan
ang 1 subject(major) aabot ng 2 sem?
c)at merong 80% sa 92 milliion na tao ay lubhang may kahirapan sa buhay; papaano ang posibilidad na makakakuha ka ng mga potensyal na studyante sa eskwelahan?
...yan ba ay padamihan ng semester o pataasan ng matrikulasyon..
3) Kung sana maoobserbahan ,ang katayuan ng isang bansa ay proporsyon din sa kung anong antas
meron ang expertise ng kanilang mga enihenyero.
...cguro naman kundi sa 3rd ay nasa 4rth world country na tayo;Germany,US,Japan,china,UK,Russia,Finland,..meron pa at marami pang iba.. na ang katotohanan
ay wala sa bilang ang Pinas...
4) Derechohin natin sa mag aaral.
4.a) Sana ang enghinyero ay di lang puro face-lifting sa kanyang lugar..at kung hindi isang ondoy lang ang katapat nyan..delubyo na sa kanyang nasasakupan..
4.b) Sana kung ang isang asensadong mag aaral ay naniniwalang ang kanyang pinanggalingan paaralan ay kumpetitive di sana wala na sya sa Silicon Valley kundi nasa Manila na sana sya nagtatag ng R&D o opisina man lamang..
5)1) Hangat wala pang satellite transponder na gawa tayo sa space
2) hangat maraming pang lugar sa pinas ang walang kuryente
3)Hanggat marami pang di nakakahawak ng computer
4) di pa libre ang SMS messages natin at ang dami pang SPAM
5) ni wala pang completong Eng laboratory ang mga eskwelahan
6) Kapag wlang mga R&D ang mga professor ng mga eskwelahan
7) kakulangan ng screening sa mga studyante
...kabalin , di ko alam kung saang aspeto ang mga accreditors na yan kukuha ng kanilang mga basehan..
cguro kung magbibigay sila ng multiple choice na pag susulit-may laban tayo..kasi sa pinas ng aral na ng 5 years nagrereview pa ng 5 months para lang sa multiple choice na pag susulit at kaagad agad..Enhinyero na..dyan may katiyakang makikipag pantayan tayo sa kanila..
6) Isang paala ala na lang sana..kahit na pa cguro top rank tayon ng enhinyerong kurso sa kung saan man
ay wag nating kaligtaan..
a) habang binabaha siguro ang eskwelahan natin,,,
b) habang may mabahong astero sa gilid ng eskwelahan natin..
c) habang wala ng mga puno sa eskwelahan natin..
d) Mausok sa labas ng eskwelahan natin..
e) Ma traffic sa labas ng eskwelahan natin..
di ko malaman kabalin kung saan magsisimula ang engineering application natin??...
..*** Ito sana ay magsilbing pangaral sa mga kabataang enhinyero (nag aaral pa , grumadweyt na) nakatuon sana tayo sa kung ano ang katayuan natin..sa realidad at sa hirap ng buhay at kung may nagagawa nga ba tayong applications para maayos ang problema ng Pinas?
Salamat iyan po ay pananaw lamang at pambabahagi ng kuro kuro ..
Ang inyong lingkod.."PILIPINAS UMASENSO KA!"
Practicing CoE,ECE,EE