3rd year ECE student na ako sa isang 4 year program na school(trisem). medyo ayoko na kasi sa school na pinapasukan ko kasi may pagka incompetent ung mga instructor at ung mga lab equipments, karamihan e sira. Kaya ang nangyayari lecture pa din kahit sa lab namin, kung may activity naman, sa multisim tapos kanya kanya pang dala ng laptop(mga 3-4 lng meron) dahil kahit pc nila e sira. Kaya feeling ko napag iiwanan na kami ng iba. May kamahalan pa ung tuition.
So ang tanong ko kung advisable pa bang lumipat? O tuloy tuloy ko na ito? 5 trimester nalang naman. Baka kasi d macredit ung mga subjects ko dahil d naman ito kataasan. 3 nga ako sa D.E.

Saka gusto ko na rin grumaduate dahil nagstop na ako ng 3yrs nung grumaduate ako nung h.s.
O baka naman ganito lang talaga kahit sa ibang school? puro lang ako reklamo lol
