Ito sis just a question pano ang set up at parameter na ginamit mo to say naka save ka ng 42% sa fuel? Any pic if possible? I mean what were the steps?
Idetalye ko sa tagalog Sis para lang sa mga kalahi natin hehehe. Ito yong nakikita kong mga factors affecting sa naging
savings ko sa krudo:
1. Before nitong Instant PWM ko na project, brute force lang ako. 12vdc straight, conventional lang. Kaya yong
denesign ko sa cell eh yong na mention ko na sa Unit#1(Battery type). sa cold start na wlang halong
electrolytes, pumapalo lang ito sa 5amps. Kahit ilang dami ng electrolytes gamitin ko hindi ito lumalagpas ng 30amps.
Kaya sa cell design pa lang na kokontrol ko na ang init.
2. Meron akong ikinabit na isa pang aluminum radiator (may maliit na pump) na pumapatay sa init ng tubig na syang
byproduct ng electrolysis pag ang amperahe ko eh mataas, so malamig pa rin ang hydrogen product na inilalabas ng cell
papuntang intake. Alam natin na basta malamig mas marami magkakasya don sa combustion chamber tapos eh napakaliit
pa ng density ng HH kaya kahit kunti lang production kasya sa loob, tapos wide flamability pa ito na basta kahit saang
sulok man sa chamber eh puputok agad dahil d naman to ng ootomize...hehehe tagalog sound ng atomized.
Ilang beses ko ring na try sa lagpas 20amps, hindi umiinit ang tubig dahil nga don sa heat transfer o amunimun radiator
na kinabit ko sa harap ng pick up ko. Makikita ito sa 2bighybrid youtube channel ko na ang title eh Efficient Hydrogen
Reactor.
3. May nilagay akong dryer na parang bubbler. paniguro na pure gas lang hihigupin ng engine.
Sa kasalukuyan, tinanggal ko muna yong aluminum radiator ko, kasi Lye na gamit ko na electrolytes, hehehe...broken into
pieces mangyayari sa radiator ko pag d ko inalis..na install ko na yong Instant PWM ko, sa 7amps lang naka set yong
dalawa kong cell..Although bumaba yong test result ko last week nong bumiyahe ako papuntang bayan ng Banate.
48kms..3liters yong karga...nasa 16kms/ltr(4.5ltrs pag wlang HHO) bale 33%s fuel savings lang...d ko lang pinaabot lagpas 7amps kasi alam ko d rin uubra dahil mag iinit lang ang cell at bababa lang ang results kasi wala akong water cooling system na kinabit.
Sinunod ko lang ang principle ng electrolysis. Ito yon in taglish lang, d ko kasi kaya e tagalog yong ibang terms:
In the case of straight DC electrolysis, pag yong applied voltage eh tumataas, yong current o amperahe eh tumataas din,
so hydrogen generation rate tumataas din. May tendency na bumaba yong hh production pag yong dicomposition voltage eh lumagpas na don sa 1.24 na syang mark kung saan nagsisimula yong paghihiwalay ng HH sa O.
Naku..! hirap na hirap nako Sis sa katatagalog...ito englishsin ko na.
"Electron with high energy can only reduce one hydrogen ion so that the difference between the applied voltage and the decomposition voltage is dissipated as heat. Since the current itself is also increased by increasing the applied voltage,
electrons which are not used for hydrogen reduction are also dissipated as heat."
Hehehe....bulol nako..